(PN File)

BROOKE’S POINT, Palawan — Nasa quarantine facility na sa bayan na ito ang isang authorized person outside residence (APOR) na tumakas sa isang hotel sa Puerto Princesa kahapon, October 18.

Ito ang kinumpirma ni Dan Esmerio, ang hepe ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa Brooke’s Point ng makapanayam ng Palawan News ngayong umaga, October 19.

Ayon kay Esmerio, isa umano itong police kaya’t hindi ito locally stranded individual (LSI) kundi APOR na nagmula sa Maynila at tumakas sa quarantine facility sa lungsod at umuwi sa Brooke’s Point.

“Nalaman mula sa mga contact tracer na isa syang police kung kaya hindi isang LSI kundi isang APOR siya,” pahayag ni Esmerio.

- Advertisement -

Negatibo rin naman umano sa COVID-19 ang tumakas na APOR, ayon sa pagsusuri na isinagawa. 

“Hindi naman siya positive, pero kailangan niyang mag-undergo sa 14 days quarantine dahil yon ang protocol,” ayon pa sa kanya. “Ipinaubaya na namin sa mga contact tracer para mapangalagaan rin ang kapakanan niya”.

Hindi umano magtatagal sa Brooke’s Point ang pulis dahil hinihintay na lang ng Municipal IATF sa pamamagitan ni acting mayor Georjalyn Quiachon ang direktiba kung anong gagawin mula sa Emergency Operations Center (EOC) ng provincial government.

Previous articleSpinal conditions as compensable work-related illnesses
Next articleRoad to herd immunity: PPC hits 32% vaxx rate
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.