Larawan mula sa HRMO

Extended ang pagtanggap ng pamahalaang lokal ng Brooke’s Point sa mga aplikante para sa Civil Service Examination mula sa nasabing bayan.

Ito ang inanunsyo ni Abegail Malung, human resource management officer ng bayan ng Brooke’s Point sa kanilang flag raising ceremony kanina, January 16

Ayon kay Malung, 400 slots para sa civil service professional at 50 slots naman para sa subprofessional examination ang bukas sa kanilang opisina.

“Napagbigyan po kami ng CSC na bigyan ng slots, and ang mga slots na ito ay galing sa ibang munisipyo na hindi na nila na cater at ito po ay hanggang bukas na lamang,” pahayag nito.

Larawan mula sa HRMO

Magiging bukas ang kanilang opisina sa mga aplikante simula ngayong araw ng Lunes na matatapos hanggang kinabukasan araw ng Martes.

Matatagpuan ang kanilang opisina sa 2nd floor ng Municipal Hall. Kinakailangan lamang na may dalang 4pcs passport ID na may name tag at signature (nakikita ang tainga), Original at photocopy ng valid ID, vaccination card (original at photocopy), at 500 pesos na pambayad para sa examination fee.

Samantala, sa ngayon ay handang-handa na ang bayan ng Brooke’s Point para sa pagiging testing center sa darating na CSC Examination sa darating na March 26, 2023.

About Post Author

Previous articlePuerto Princesa to develop Acacia tunnel into park, Tagbarungis into eco-beach destination
Next articleDA approves entry of initial 5.7K MT imported onions
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.