File photo of continuing relief operation activities of the provincial government of Palawan for victims of typhoon Odette. (Photo from the Palawan PIO)

Magkakaloob ng P100,000 na donasyon ang probinsya ng Apayao sa Palawan para sa mga sinalanta ng bagyong Odette sa pamamagitan ng risk reduction and management council nito.

Ayon sa Palawan Provincial Information Office (PIO) sa inilabas nitong ulat noong Biyernes, ang impormasyon tungkol sa donasyon ay nakapaloob sa sulat na ipinadala ni governor Eleanor Bulut-Begtang kay governor Jose Alvarez noong Enero 26, 2022.

Nakasaad sa sulat na ang halaga ay ibig makatulong sa pagpapatuloy ng relief assistance para sa mga biktima ng bagyong Odette na nanalasa sa northern Palawan noong Disyembre 17, 2021.

Ang donasyon ay batay sa Republic Act 10121 or the Philippine Disaster Risk Reduction Management Act of 2010 at upang mas mapalakas ang “spirit of bayanihan” ng LDRRM councils sa bansa.

Matatandaang isinailalim ang lalawigan ng Palawan sa state of calamity noong Disyembre 22, 2021, dahil sa matinding pinsala ng bagyong Odette.

Lubos naman ang pasasalamat ni Alvarez sa mga tulong na patuloy na ipinagkakaloob sa lalawigan upang magamit sa pagtulong sa mga naapektuhan ng bagyo partikular sa bahaging norte ng lalawigan.

About Post Author

Previous articleHigit 3,200 na Palawenyo napagkalooban ng financial assistance ng PSWDO noong 2021
Next articleBusuanga nagtala ng 53 kaso ng COVID-19 ngayong buwan ng Enero