Ilan sa pamilya ng mga nasawi ang sumama sa search and rescue na isinagawa ng PCG-Bataraza | Larawan mula sa Coast Guard District Palawan

Apat na magkakaibigan ang nasawi sa pagkalunod habang naliligo sa isang beach sa Barangay Sarong sa bayan ng Bataraza noong Biyernes ng hapon, Pebrero 6.

Ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), inabutan ng sama ng panahon ang magkakaibigan at tinangay ng alon sa malalim na bahagi ng dagat.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Rijad Sali, 19; Jaidul Tiblani, 17; Rafael Nu, 18, at Anna Mae Mohammad, 18. Sila ay pumunta sa lugar para sa isang family gathering at napahiwalay sa iba nilang kasama habang naliligo.

“Nakatanggap kami ng tawag galing sa kaanak ng isang biktima, bandang 4:45 ng hapon noong Biyernes. May family gathering sila doon, tapos nag swimming, naabutan ng sama ng panahon, na strand sila hanggang napadpad sila sa malalim na parte ng dagat,” pahayag ni Commander Severino Destura, tagapagsalita ng Coast Guard District Palawan (CGDPal).

Agad namang nagpadala ng rescue ang PCG at sinuyod ang lugar at bago pa man tuluyang dumilim ay natagpuan ang dalawang biktima.

“Nagpapunta ng tauhan ang ng Rio Tuba sub-station at around 6:10 po ng hapon na-recover ang dalawa (Tiblani at Mohammad) na palutang-lutang sa shoreline ng Sityo Maranggas,” ani Destura.

Isa sa mga 4 na namatay dahil sa pagkalunod na narecover ng PCG-Bataraza

“Dahil sa madilim na at sumama na ang panahon, hininto namin ang search and rescue operation. Kinabukasan (Pebrero 6), alas syete ng umaga natagpuan si Rafael Nu, at 7:30 a.m. naman nakita si Rijad Sali,” dagdag niya.

Ipinaalala naman ng PCG na bagama’t ang lugar ay kilalang paliguan ng mga residente, ay mag-ingat ang mga ito dahil sa mga rip current na delikado lalo na kapag masama ang panahon.

About Post Author

Previous articleAcosta commits support to improve Marine’s firing range facility
Next articleCity government contractor a no-show at Council inquiry