Apat na lalaki ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng City Mobile Force Company at City Police Station 2 sa raid na isinagawa sa isang iligal na tupada o cockfighting noong Martes (Enero 2) sa Sitio Tagumpay, Barangay Inagawan.

Ayon sa ulat ng City Police Station 2, nakatanggap ng sumbong ang mga awtoridad sa nagaganap na iligal na pasabong kaya nagsagawa sila ng operasyon.

Kinilala ang mga suspek na sina Daim Api, 58,; Ega Dalit, 47; Jerry Mhae Soliven, 18, at Marlon Fernandez, 33, na lahat ay mga residente ng Lungsod ng Puerto Princesa.

Dumating ang mga awtoridad sa lugar habang nagaganap ang tupada na siyang naging dahilan upang mahuli ang apat na suspek. May ilan ding nakilala ng mga awtoridad subalit nakatakas ang mga ito.

Nakumpiska rin sa kanila ang tatlong manok panabong, pitong piraso ng tari, isang kahon na may lamang gamit pangmedikal, mga gamot, at perang pamusta na nagkakahalaga ng  P15,120.

Ang mga suspek ay mahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal Cockfighting.

 

About Post Author

Previous articleMotorsiklong ninakaw sa Dumaran, na impound sa PPC
Next articleBrooke’s Point reports one new COVID-19 case