Mga nakuhang gamit na kinabibilangan ng isang Realme C12 with charger, Oppo A12 with charger, Oppo A15 with charger, Oppo A74 with charger, Poco M3 pro 5G with charger, Huawei Y70 with charger, Vivo Y20 with charger at isang Realme C21.

Nadakip ng awtoridad ang apat sa limang suspek sa pagnanakaw sa isang tindahan ng cellphone, mga gadgets, at appliances sa Purok Rosal, Barangay Poblacion sa bayan ng San Vicente noong Sabado ng umaga, Hulyo 24.

Kinilala ang mga suspek na sina Ruel Mahusay Morallos, 20; Marile Chu Montejo, 19; Angelo Andarayan Mendoza, 28, at isang menor de edad, habang pinaghahanap naman ang itinuturong mastermind na si Reymund Mahusay Morallos.

Ayon sa pulisya, matapos na mapansin ng isa sa mga tauhan ng tindahan na may mga nawawalang mga items ay agad itong nagreport sa pulisya, kung saan napag-alamang pinasok nga ito mula sa sinirang glass window sa likurang bahagi ng tindahan.

Sa inisyal na police investigation, lumalabas na umabot sa P74,260.00 ang mga nakuhang gamit na kinabibilangan ng isang Realme C12 with charger, Oppo A12 with charger, Oppo A15 with charger, Oppo A74 with charger, Poco M3 pro 5G with charger, Huawei Y70 with charger, Vivo Y20 with charger at isang Realme C21.

Agad na nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya kung saan nahuli ang apat na suspek at narekober ang mga ninakaw na items sa isang abandonadong bahay, maliban sa isang Realme C21 na pinaniniwalaang bitbit ni Morallos sa kanyang pagtakas.

Previous article55 new Delta variant cases raise total to 119; 103 recovered
Next articleCompounding Magic
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.