Apat na pinaghihinalaang drug pushers ang nadakip ng operatiba ng Culion Municipal Police Station (MPS) sa dalawang buy-bust operations na isinagawa kahapon, Pebrero 6, at ngayong araw.

Unang nadakip kahapon sa Barangay Balala si Vergel Gacayan, alyas “Vegie”, dating barangay kagawad ng nasabing lugar at ang live-in partner nito na si Analyn Pascual.

Nakuha sa dalawa ang 34  sachets ng pinaghihinalaang shabu, P1,100 na ginamit sa buy-bust, isang improvised tooter (water pipe), at iba pang drug paraphernalia.

Napag-alaman na ang dalawa ay nauna nang naaresto at nakulong sa kaparehong kaso, at matapos makalaya wala pang isang taon, ay muling natunugan na muling nagbebenta at gumagamit ng droga.

“Kalalaya lang ng nila, na-convict sila at nakulong ng apat na taon. Tapos balik nanaman sa ganyan,” pahayag ni P/Maj. Thirz Starsky Timbancaya, hepe ng Culion MPS.

“December pa sila na-monitor, tapos nagsagawa agad ng series of test buys, at ng magkaroon ng pagkakataon, hinuli na agad,” dagdag niya

Samantala, isang alyas Kenneth naman mula sa bayan ng Coron ang itinuro ng dalawa bilang supplier nila ng droga.

“Noong nasa Coron pa ako, narinig ko na ang pangalan na ‘yan na talagang matunog sa droga,” ani Timbancaya.

Ngayong araw naman ay nadakip din ng Culion MPS sa Sitio Gitna, Brgy. Osmeña, ang dalawang pinaghihinalaang pusher na kinilalang sina Austin Clyde dela Calsada, 27, at Jeffrey Empoc, 29, parehong residente ng Brgy. Libis sa nasabi ring bayan.

Nakuha sa kanila ang P1,000 buy bust money at 18 sachets ng pinaghihinalaang shabu at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Timbancaya, si Dela Calsada ay dati na ring naaresto at nakasama nina Gacayan at Pascual sa kulungan.

“Nagkasama ito silang tatlo sa kulungan, pero na dismiss ang kaso. (Paglabag sa) section 11 at 12 lang ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang dating  naisampa sa kanila, di masyadong mabigat kaya na dismiss,’ aniya.

Ang mga suspek ay nakatakdang dalhin sa lungsod ng Puerto Princesa  upang sampahan ng kasong paglabag sa Sec. 5, 11 at 12 ng RA 9165.

 

 

 

About Post Author

Previous articleEDITORIAL: Takeaways from Puerto Princesa City’s vaccination planning
Next articleCOMELEC says PPC has no participation in plebiscite
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.