Apat na residente kabilang na ang dalawang menor de edad ang inaresto sa buy-bust operation na ikinasa ng mga awtoridad sa Barangay Bagong Sikat, bayan ng Narra, Huwebes ng gabi.

Kinilala ng Provincial Police Office ang dalawang suspek na sina Benjie Andaya Somera, 39, Jhieron Tolentino, 19, at dalawa pa na 16 at 17 na taong gulang.

Ayon sa mga awtoridad, nahuli ang mga suspek matapos mabilihan ng isang sachet ng shabu kapalit ang P500.

Nakuha rin sa mga suspek ang 3 pirasong papel na nirolyo na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang pwersa ng Narra Municipal Police Station (MPS), Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Philippine National Police-Maritime Group-Special Operations Unit-Quezon Special Boat Unit (PNP-MG-SOU-Quezon SBU).

- Advertisement -
Previous articleCOA junks administrative raps vs prov’l gov’t officials
Next articleHow to deal with the pain when your relationship falls apart
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.