PN File

Isinailalim ng Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) sa 14 araw na Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang apat na lugar sa Barangay Candawaga  sa bayan ng Rizal, simula Hunyo 26 hanggang Hulyo 9.

Ang mga Purok Maligaya, Pagkakaisa, Riverside, at New Paradise ay isinailalim sa ECQ sa bisa ng Executive Order No. 24 ni Mayor Otol Odi noong araw ng Biyernes, Hunyo 25, bunsod ng pagtala ng positibo sa antigen test

Ayon kay Municipal Health Officer Dr. Kathreen Luz Micu, mayroong anim na aktibong kaso sa COVID-19 ang Brgy. Candawaga sa huling daily bulletin ng MIATF noong Hunyo 25, kung saan, apat dito ay RT-PCR confirmed at dalawa naman ang antigen reactive.

“Panawagan natin na sundin ang mga guidelines sa ilalim ng ECQ. Katuwang natin ang buong MIATF dito at pwersa ng barangay,please follow health and safety protocol,” pahayag ni Micu nitong Sabado, Hunyo 26.

“Sa pamamagitan nito ay mapapababa natin ang kaso sa Bgy. Candawaga. Tayo sa MIATF palagiang paalala sa lahat na magingat at para hindi tayo mahawaan ng virus,” dagdag niya.

Previous articlePH to host ASEAN meetings on peatlands conservation end of June
Next articleDBM releases special risk allowances of public and private health workers
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.