No Images found.

Apat na municipal police stations, pinarangalan ng Prov’l PNP

Ayon kay PNP provincial director P/Col. Frederick Obar, ang parangal ay pagkilala sa mga naging kontribusyon ng mga chief of police at ng mga MPS sa kaayusan ng mga bayan kung saan sila namumuno.

Photo by Palawan PPO PCR Facebook page

Apat na municipal police stations (MPS) sa Palawan ang binigyang parangal ng Provincial Police Office (PPO) kasabay ng kanilang pagdiriwang ng 27th PNP Ethics Day sa Camp Higinio Mendoza sa Barangay Tiniguiban noong Lunes, January 4.

Ayon kay PNP provincial director P/Col. Frederick Obar, ang parangal ay pagkilala sa mga naging kontribusyon ng mga chief of police at ng mga MPS sa kaayusan ng mga bayan kung saan sila namumuno.

Ang mga pinarangalan ay sina P/Cpt. Michael Von Agbisit ng Bataraza MPS bilang pagkilala sa naging kontribusyon nito sa pag-aresto kay Hamisal Sayari Tahil sa Barangay Rio Tuba kung saan nakumpiskahan ito ng isang pistol caliber .45 colt defender series 90 at apat na bala.

Nasampahan na rin ng kasong paglabag sa Republic Act (RA) 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) si Sahil. Kasama rin na nabigyan ng kaparehong parangal si P/SSgt. Joel U. Pidor

Pinarangalan din si P/Lt. Allan delos Santos, officer-in-charge ng El Nido MPS, dahil sa kontribusyon nito sa pagkumpiska ng isang caliber .45 pistol Remington, magazine na may bala, limang empty shells, at pag-aresto sa suspek na si Reynaldo Valdez Gacayan ng Brgy. Villa Libertad.

Nasampahan na rin si Gacayan ng kasong frustrated murder at paglabag sa RA 10591.

Maliban kay Delos Santos, binigyan din ng parehong parangal si P/Cpl. Melvin Mehergillano.

 

Photo by Palawan PPO PCR Facebook page

Ang Taytay MPS naman sa pangunguna  ni P/Cpt. Dhayrius Redondo, ay nabigyang parangal din sa pangunguna sa buong lalawigan sa pag-implementa ng mga environtal law sa nasasakupan na lugar ng assignment.

Ang Narra MPS ay kinilala rin sa pangunguna nito sa  pag-aresto ng mga personalidad na may kaugnayan naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang Quezon MPS, sa pangunguna ni acting chief of police P/Maj. Bronson Carampto, ay pinarangalan sa pangunguna sa mga nakapag-recover ng baril at pagaresto sa mga indibidwal na may kaugnayan sa paglabag din sa RA10591.

Nangunguna din ang Quezon MPS sa pag-aresto ng mga most wanted na personalidad at iba pang mga wanted person sa buong probinsya.

Kabilang sa mga narekober na baril ng Quezon MPS ang isang 45 pistol Norinco, at isang magazine na may anim na bala.

Bagama’t nananatiling at-large ang suspek na si Joel Hermogenes Jr. ay nasampahan naman ito ng kasong paglabag sa RA 10591, habang isinasailalim pa sa ilang pagsusuri ang kanyang baril.

“Ongoing ang manhunt operation against doon sa suspek, ang baril n’ya sasailalim yun sa ballistic test. Doon malalaman natin kung nagamit ba itong baril na ito sa ilang mga patayan o shooting incidents sa Quezon o sa ibang parte pa ng lalawigan,” pahayag ni Obar

Samantala ang mga nasabing parangal, ay pagkilala sa kasipagan, at dedikasyon ng mga pulis sa kanilang tungkulin.

Maliban sa mga nabanggit, ilan pang mga  pulis ang pinarangalan din dahil sa kabutihang loob sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kanilang tulong sa mga isinagawang outreach program sa ilang mga piling lugar sa lalalwigan.

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry