File image

 

May karagdagang apat na mga doktor na ang Palawan matapos pumasa ng mga ito sa Physician Licensure Examination (PLE) na isinagawa noong nakaraang Setyembre.

Ang apat ay mga scholar ng provincial government na kumuha ng kursong medisina. Ang mga bagong doktor ay sina Dr. Novy Lee Q. Oblan na mula sa Poblacion, Dumaran; Dr. Geemarlyn M. Omar ng Brgy. Barong-Barong, Brooke’s Point at sina Dr. John Mark D. Tuting at Dr. Karla Therese L. Lapeña na kapwa nagmula sa Puerto Princesa.

Ang nasabing mga iskolar ay pawang mga benepisyaryo ng medical scholarship grant ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ng Programang Pang-Edukasyon para sa mga Palaweño (PPP) na ang pangunahing layunin ay makapagbigay ng tulong sa mga karapat-dapat na mga estudyante na nais kumuha ng kursong medisina at iba pang medical-related courses.

Labing siyam na doktor na ang napagtapos ng programang pang-edukasyon para sa mga Palaweño kung saan pito sa mga ito ang pumasa sa 1st batch, walo naman sa 2nd batch at apat sa 4th batch.

Sa kasalukuyan ay mayroong 107 na mga benepisyaryo ang nasabing scholarship program na kumukuha ng kursong medisina sa iba’t-ibang mga pamantasan sa bansa.

Hangad ng pamahalaang panlalawigan na magkaroon ng sapat na doctor ang Palawan na maglilingkod sa mga pampublikong ospital na ipinapatayo nito katuwang ang Department of Health (DOH). (PIA-MIMAROPA)

About Post Author

Previous articleDA says bamboo is a high-value crop that can help economy
Next articleGov’t internship program ng DOLE, 101 ang benepisyaryo sa Palawan