Home NEWS OF THE DAY Apat na gumagamit ng iligal na droga, huli sa akto sa Coron

Apat na gumagamit ng iligal na droga, huli sa akto sa Coron

3
0

Huli sa akto ang apat na lalaki habang gumagamit ng iligal na droga matapos pasukin ng mga pulis sa loob ng bahay sa Barangay Poblacion 1, Coron sa Palawan, Sabado ng gabi, Mayo 1.

Ang mga suspek na ayon sa pulis ay kilalang mga adik sa nasabing bayan ay kinilalang sina Roy Dionzon Bordadora, 44; Eddie Noning Segarino, 32; Frejun Alontaga Gilbuena, 32; at Romel Mabini Mondejan, 27.

Minanmanan muna ng pulisya ang isa sa mga suspek sa loob ng isang linggo at kagabi nga ay pinasok na ang bahay nito kung saan nahuli ito at ang tatlong kasama nito.

“Marijuana ang unang inialok sa asset namin at ‘yun din ang na nabili natin sa mga isinagawang test buy sa sa suspek,” pahayag ni P/Cpt. Ervin Plando, hepe ng Coron Municipal Police Station (MPS).

“Sa bahay nila, doon nangyari ang buy bust operation. Pag-abot ng item at pera, pinasok agad namin, doon naming sila naabutan, na bumabatak,” dagdag ni Plando.

Ang apat ay nasa kustodiya ngayon ng Coron MPS at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165.

Previous articleTatlong probable COVID-19 cases, naitala sa San Vicente
Next articleMBLT-3 at El Nido MPS nagsagawa ng community outreach program
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.