Arestado ang apat na indibidwal matapos maaktuhang naglalaro ng pusoy sa isang waiting shed sa Purok Masigla, Bgy. Inagawan, alas 4:15 ng hapon,ng July 28.

Nakilala ang apat na sina Romeo Carenio Cervancia, 61, kasama sila Delland Baudi Candelario, 36, Joey Ibel Cervancia, 40, at Romeo Tumimbang Asis, 55, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Ayon sa source ng Palawan News, nahuli ang apat base na rin sa sumbong ng ilang mga residente sa nasabing lugar.

Nakumpiska sa mga ito ang 2,260.00 na pera, at baraha.

Kakaharap naman sa kasong paglabag sa PD 1602 o Anti Illegal Gambling Act ang mga nahuling indibidwal.