Layunin ng nasabing programa na tuluyang masugpo ang rabies sa mga bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng bakuna sa mga aso at pusa upang mapabilang ito sa mga rabies-free municipalities sa lalawigan.

Sa layuning mai-deklara bilang rabies free ang lalawigan ng Palawan, patuloy na isinasagawa ng Provincial Veterinary Office (ProVet) ang One-Time Big-Time Rabies Prevention Program sa iba’t ibang munisipyo.

Layunin ng nasabing programa na tuluyang masugpo ang rabies sa mga bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng bakuna sa mga aso at pusa upang mapabilang ito sa mga rabies-free municipalities sa lalawigan.

Nitong nakalipas na Nobyembre 15-16 ay inilunsad ng ProVet ang nasabing programa sa bayan ng Brooke’s Point.

Sa pakikipagtulungan ng Municipal Agriculture Office (MAO) at mga Barangay Veterinary Aides, sinuyod ng grupo ang mga kabahayan sa Barangay Pangobilian at mga karatig-barangay upang magturok ng bakuna laban sa rabies sa mga alagang aso at pusa. Nagsagawa rin ng pagkakapon o castration sa mga lalaking aso at pusa sa covered court ng nabanggit na barangay kung saan, umabot sa 1,173 aso at pusa ang naturukan ng bakuna habang nasa 30 ang nakapon.

- Advertisement -

Ayon kay Dr. Darius Mangcucang, hepe ng ProVet, sa pamamagitan ng patuloy na pagsasagawa ng nasabing aktibidad ay inaasahang tuluyan nang maide-deklarang rabies-free ang Palawan sa mga susunod na taon.

“Layunin ng ating ahensya na isagawa ang kahalintulad na inisyatibo sa iba pang bayan upang maging rabies-free ang probinsya sa mga susunod na taon. Dahil sa pagtutulungan ng ating ahensya at mga munisipyo, nauna na nating naideklara na rabies-free ang 11 island municipalities ng probinsya,” pahayag ni Mangcucang, Nobyembre 29.

Ang 11 munisipyo na ang naitalang rabies-free municipality ay kinabibilangan ng Coron, Busuanga, Culion, Linapacan, Cuyo, Magsaysay, Balabac, Kalayaan, Araceli, Agutaya, at Cagayancillo.

Previous articleGifts of Beauty at SM
Next article8th Bugsayan celebration focuses on ‘Synod of Bishops’
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.