Nais ni aspiring mayor Florante Antazo na tugunan din ang umanong kapabayaan sa mga vendor ng mga public market at ang pagbibigay ng karagdagang pondo sa mga mangingisda sa lungsod.

Nais tugunan ni mayoral aspirant Florante Antazo ang pagtawid ng mga tricycle sa national road dahil sa nakikita niyang kakulangan ng pagtugon ng isyung ito ng kasalukuyang administrasyon.

Aniya, lubhang pahirap at pasakit sa mga tricycle driver lalo sa kalagitnaan ng pandemiya kakulangan ng pagtugon, pagmamahal, at malasakit sa kapwa ang siyang nakikita ni Antazo sa kasalukuyang administrasyon.

Maliban dito, nais ni Antazo na tugunan din ang umanong kapabayaan sa mga vendor ng mga public market at ang pagbibigay ng karagdagang pondo sa mga mangingisda sa lungsod.

Sinabi ni Antazo sa isang pahayag araw ng Biyernes na malapit ang isyong ito sa kanyang puso dahil sa kanyang karanasan bilang isang public market vendor. Aniya, kung papalarin itong manalo sa May 2022 elections ay kasama sa kanyang tutugunan ang mga problema ng mga market vendor. Ito ay ang pagsasaayos ng mga sira-sirang gusali ng pamilihang bayan na lubhang nakakaapekto sa mga vendor, mamimili, at bisita sa lungsod. Aniya, matagal na panahong pinabayaan ito ng mga mga nakaraang administrasyon.

- Advertisement -

“Isa sa mga isusulong ko ay ang pagkakaroon ng regular na fuel subsidy ang mga tricycle. Ang hirap na talaga ng pinagdadaanan ng mga tricycle driver natin ngayon lalo na at panahon ng pandemya. At bawal pa sila dumaan sa ibang mga kalsada,” sabi ni Antazo.

“Matagal nang isyu ‘yan patungkol sa daanan ng mga tricycle. Pero hanggang ngayon, ‘di pa rin nila naayos,” dagdag nito.

Bilang isa ring vendor na matagal nang mayroong puwesto sa Old Market, nais tugunan ni Antazo ang problema ng luma at sira-sirang gusali nito. Aniya, nagbabayad ang mga vendor ng renta ngunit hindi naman nakikita ang mga pagpapabuti ng mga kondisyon nila sa gusali.

“Hanggang ngayon, vendor pa rin ako sa Old Market, at isa sa mga nakikita ko ay wala talangang improvement na nangyayari. Isa sa mga gagawin ko kung mananalo ako bilang mayor ay ang tanggalin ang stall extension fee at ayusin ang health sanitation at building ng pamilihang bayan,” aniya.

Isusulong din ni Antazo kung sakaling manalo sa pagkamayor ang karagdagang pondo sa mga mangingisda sa lungsod. Ayon sa kanya, namumuhunan ng malaking halaga ang mga mangingisda bago ito pumalaot, ngunit wala namang kasiguruhan kung sapat ba ang mahuhuling isda ng mga ito. Kaya naisip niyang mabigyan sila ng karagdagang tulong pinansyal ng gobyerno para hindi naman sila mabigatan sa gastusin.

“Bibili pa ‘yan sila ng ice, asin, fuel, pagkain at iba pang mga gamit bago pa sila magpalaot. Ang laki ng puhunan nila, wala pang kasiguraduhan kung may mahuhuli pa. Kaya, ang naisip kong magiging tulong sa kanila ay mabigyan sila ng livelihood at karagdagang pondo para hindi naman sila mabigatan sa gastusin,” ani Antazo.

Previous articleSan Vicente muling bubuksan ang turismo para sa mga galing sa labas ng lalawigan ng Palawan
Next articleBlood is not always thicker than water
is a senior reporter for Palawan News who covers politics, education, environment, tourism, and human interest stories. She loves watching Netflix, reading literary fiction, and listens to serial fiction podcasts. Her favorite color is blue.