Kasabay nang pagpasok ng summer sa Pilipinas ay ang pagtaas ng init na nararamdaman ng tao mula sa pinagsamang temperatura at alinsangan ng hangin, o tinatawag na “heat index.”

Kahapon, March 27 ay naitala ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) ang 43°C na heat index sa lungsod.

Ito ay pasok sa danger alert level ng PAGASA.

Ibig sabihin, mataas ang posibilidad ng pagkakaroon ng heat stroke.

Ano nga ba ang heat stroke at paano ito maiiwasan?

Ayon sa Department of Health (DOH), ang heat stroke ang pinakamatinding sakit na makukuha ng isang tao dahil sa sobrang init na nararamdaman ng katawan. Hindi na kaya ng katawan na palamigin ang sarili sa natural na paraan kagaya ng pagpapawis dahil na rin sa dehydration o kakulangan ng tubig, at sobrang init ng panahon.

Ang mga senyales na ang isang tao ay na-heat stroke ay pagtaas ng temperatura ng katawan, pamumula ng balat, pagkahimatay at pagkahilo, panghihina, at pananakit ng ulo.

Maituturing na emergency level kapag ang isang tao ay magka lagnat ng 41°C, mabilis na pagtibok ng puso, ang kombulsyon, nagdedeliryo, at mawalan ng malay.

Sa ganitong mga pagkakataon, agad na ilagay sa lilim ang biktima at iangat ang lebel ng paa. Kung ito ay may malay, agad itong painumin ng malamig na tubig.

Maaari ding hubarin ang damit at punasan ng malamig na tubig ang balat nito habang pinapaypayan.

Makakatulong din ang cold compress sa kilikili, pulso, talampakan at singit upang mapababa ang temperatura ng katawan.

Para makaiwas sa heat stroke, paalala ng DOH na limitahan ang mga aktibidad sa ilalim ng araw, uminom ng maraming tubig, magsuot ng pananggalang sa init ng araw at magpahinga.

Dagdag ng DOH, ang heat stroke ay isang medical emergency at pinapayuhan ang lahat na agad na dalhin sa pagamutan ang mga biktima nito.

About Post Author

Previous articleSouth Korea donates rice for oil spill affected families in Mindoro
Next articlePH Navy test-fires anti-ship missile decoys off Zambales