Larawan mula sa 2nd SOU-MG

Anim na mangingisda ang inaresto ng mga operatiba ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) matapos na maaktuhang nagsasagawa ng iligal na pangingisda, at paghuli ng pawikan, sa karagatang sakop ng Barangay Mangsee sa bayan ng Balabac nitong araw ng Biyernes, Mayo 6.

Kinilala ang nagdadala ng bangkang Queen April na si Redjie Arong, kasama ang limang iba pa, na hindi na pinangalanan ngunit mga residente ng Sitio Marabajay, Barangay Riotuba, sa bayan ng Bataraza.

Sa report ng 2nd SOU-MG, habang nagsagagawa ng seaborne patrol operation ay namataan ng mga operatiba ang anim habang aktwal na nagsasagawa din ng cyanide fishing.

- Advertisement -

Nang inspeksyunin ang bangka ng mga ito ay nakita rito ang ilang mga mga kagamitang pang cyanide fishing at dalawang pawikan na nakalagay sa loob ng sako.

Ayon kay P/Lt. Anna Viola Abenojar, public information officer ng 2nd SOU-MG, ang anim ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 92 ng Republic Act 10654 na inamyendahan ng Republic Act No. 8550, o ang Philippine Fisheries Code of 1998, at Section 27 ng Republic Act 9147 na may kinalaman sa wildlife conservation.

Samantala, dakong alas tres ng hapon ay pinakawalan din ng 2nd SOU MG, katuwang si Jesus Carandang ng Palawan Council for Sustainable and Development Staff (PCSDS), ang dalawang hawksbill turtle na nakumpiska sa anim, sa karagatang sakop ng Brgy. Rio Tuba.

Ang mga nakumpiskang ebidensya ay nasa pangangalaga ng 2nd SOU-MG Rio Tuba detachment para sa kaukulang disposisyon.

Previous articleA letter to my fellow youth voters
Next articlePALECO to file anti-pilferage case against Pathmosville management
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.