Anim na indibidwal ang arestado sa operasyon laban sa iligal na sabong o tupada na ikinasa ng mga operatiba ng City Police Station 2 sa Barangay Irawan, Linggo ng tanghali.

Ang mga suspek na puro mga construction worker ay kinilalang sina Prince Manuel Rosales, 25, Victoriano Mandal Cabanos, 48, Jonathan Dao Alforte, Jencient Cresidio Garcia, 23, Jobit Bryan Fronda Niño, 32, Jessel dela Fuente, 21, at Renato Asuncion Seraja, 34, pare-parehong residente ng Zone 12 ng naturang barangay.

Sa report na ipinadala ni P/Maj. Alevic Rentino sa Palawan News ay sinasabing may impormasyon diumanong nakarating sa kanila tungkol sa nakitang iligal na tupada.

Pagdating sa lugar, naabutan ng mga operatiba ang mga suspek na kabilang sa mga nagsasagawa ng tupada.

Nasa pangangalaga na ngayon ng City Police Station 2 ang mga suspek na nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree 1602.

Ang mga kumpiskadong 13 na panabong na manok, limang tari, isang bag, at mga pustang pera na aabot sa P4,040 ay gagamiting ebidensya laban sa anim na suspek.

 

About Post Author

Previous articleOnline environmental journalism training for young writers launched in Puerto Princesa City
Next articlePuerto Princesa City prepares for 2nd semester roll out of mass vaccination
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.