Namatay ang isang lalaking angkas sa motorsiklo, samantalang kritikal naman ang drayber at isang pang motorista matapos magkabanggaan sa kahabaan ng WESCOM Road, Barangay San Pedro, Lunes ng madaling araw.

Kinilala ang namatay na lalaki na si Charlie Talunga Falcutin, 27, angkas sa minamanehong motorsiklo ni Vona Hesper Plona. Ang nakabanggaan naman ay nakilalang si Von Kevin Chavez.

Ayon sa ulat mula sa Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Station 1, mula sa magkasalungat na direksyon ang dalawang motorsiklo nang magkabanggan sa gitna ng kalsada.

Sa lakas ng pagkabangga, sugatan ang mga drayber at ang angkas na si Falcutin, na naidala sa ospital, ngunit pagdating doon ay idineklarang dead on arrival. Nasa kritikal na kondisyon ang dalawang drayber.

Nauna ng naiulat ni Anti-Crime Task Force (ACTF) head Richard Ligad ang pangyayari sa kaniyang Facebook post at sinasabi ngang maaring lango sa alak ang mga naaksidente.

- Advertisement -

Previous articlePSFI completes ‘Para sa Bayani’ campaign’
Next articleA topnotcher, prayer and family
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.