Anak ng Kagawad sa bayan ng Rizal ginilitan ng leeg, patay


Patay ang isang anak ng barangay kagawad matapos itong pagsasaksakin at gilitan ng leeg kamakailan. Ang biktima ay kinilalang si Gavin Odi y San Juan, 34 taong gulang, binata at residente ng Sitio Malakibay, Bgy. Punta Baja, Rizal, Palawan.

Natukoy naman ang mga suspek na sina Julfi Ebog at Omar Barahim na pawang mga residente ng nabanggit na lugar.

Base sa imbestigasyon ng mga pulis, habang nag-iinuman ay nagkaroon ng bangayan ang mga suspek at biktima na naungkat mula sa dating alitan. Binastos umano ni Odi ang asawa ni Ebog. Dahil dito, hinampas ng huli ang biktima ng isang bote ng gin at pinukpok din ito ni Omar ng isang 21 pulgadang kahoy.

Nagtamo ng limang saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima at ginilitan pa ng leeg base sa police blotter.

Agad namang tumakas ang mga suspek. Nagsagawa ng manhunt operation ang mga pulis at agad nahuli si Omar Barahim samantalang kusa namang isinuko ng kanyang ama si Ebog.

Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang mga suspek.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...

Add a Comment

Your email address will not be published.