Kinilala ang nasa mga larawan bilang ang suspek na si Joel Ricaberte na itinuturing na Top 2 Most Wanted ng Puerto Princesa.

Inaresto ng awtoridad ang isang 43 taong gulang na tatay noong Biyernes nang gabi, November 5, sa Barangay Bacungan matapos itong ireklamo at sampahan ng kanyang sarili mismong anak ng kasong paulit-ulit na panggagahasa.

Kinilala ang lalaki na si Joel Ricaberte na itinuturing na Top 2 Most Wanted ng Puerto Princesa.

Sa impormasyong nakalap ng Palawan News ay sinasabing si Ricaberte ay suspek sa panggagahasa sa kanyang anak na babae. Ito mismo ang nagsampa nang reklamo sa tulong ng ilang kaibigan at kakilala dahil hindi na nakayanan ang trauma na ginawa ng kanyang ama.

Ang pag-aresto sa suspek ay isinagawa sa pangunguna ni City Police Station 2 chief P/Maj. Alevic Rentino sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Leah delos Reyes-Baguyo ng Branch 48 at Judge Jocelyn Sundiang-Dilig ng Branch 54 ng Regional Trial Court (RTC).

- Advertisement -

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Ricaberte.

Previous articleShallow LPA monitored in West Philippine Sea
Next articleHoliday season begins in SM City Puerto Princesa with lighting of 30-foot Christmas tree
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.