Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang health benefits na makukuha sa pagkain ng ampalaya, o Momordica charantia. Pero alam mo ba na mainam din ito hindi lamang sa mga may diabetes kundi pati na rin sa mga in love at broken hearted?
Para sa mga sugatan
Sa kabila ng mapait nitong lasa ay rich source ng vitamin C ang ampalaya. Ang vitamin C ay nakakatulong labanan ang iba’t ibang mga sakit at nakakatulong din sa paghilom ng mga sugat. Mainam din ito for development or growth. Tandaan, makakatulong ang ampalaya sa iyong sarili, hindi para mapa-ibig o magkabalikan kayo ulit.
Love is blind?
Mayaman din sa vitamin A at beta-carotene ang ampalaya. Kung ikaw ay in love, makakatulong itong mas makita mo ng malinaw ang iyong minamahal. Ingat lang kasi baka pati yung mga hindi masyadong magandang bagay eh makita mo na rin.
Kung ikaw naman ay single at hoping, mainam ang vitamin A at beta-carotene sa pag alis ng eyebags mo kakapuyat mo sa wala.
Sakit ng puso, damay atay
Isa ka ba sa mga idinaan na lang sa inom ang mga sakit ng puso? Ang antioxidant at antimicrobial properties ng ampalaya ay mainam para maalis ang mga toxins sa iyong dugo at hilumin ang mga damages ng atay mo kakainom.
Importanteng alagaan ang atay dahil broken hearted ka na nga, wasak pa ang atay mo, ano na lang maiiwan sayo?
“Comeback to the young and beautiful you”
Hindi lang sa Beauty in a Bottle gaya sa pelikula ni Angelica Panganiban makaka-“comeback to the young and beautiful you”! Makukuha mo din ito sa ampalaya.
Makakatulong ang vitamin C sa collagen production ng iyong katawan at effective din itong anti-oxidant para mas maging clear ang iyong balat. Ito ay low in calories at high in fiber na makakatulong sa pagkamit ng iyong inaasam na figure.
Ang vitamin C, zinc at protein components nito ay makakatulong para maachieve mo ang mala-shampoo commercial na silky, shiny and long hair mo. Mainam itong panlaban sa hair loss, dry and itchy scalp pati sa balakubak at split ends.
Heartstrong
Ang ampalaya ay may catechin, epicatechin, chlorogenic acid at gallic acid na makakatulong makaiwas sa sakit sa puso at iba pang sakit gaya ng cancer.
Ang pottasion, magnesium at cancer naman ay nagpapababa ng cholesterol sa dugo na makakapabuti sa kondisyon ng iyong puso.
Mainam din ang ampalaya sa pagpapatibay ng ating immune system.
Mahalagang alagaan ang puso dahil kung siya nga kaya mong alagaan, bakit di mo unahin ang sarili mo diba?
Sa pagkain ng ampalaya para maachieve ang mga benefits nito, lagi mong tatandaan: Ang ampalaya ay kinakain at hindi inuugali.