Inamin ni Roberto Dasmarinas na gulong-gulo na ang kanyang isipan sa mga nangyayari kaugnay sa kanyang anak na si Leobert, ang umaming suspek sa panggagahasa at pagpatay sa nawawalang working student at sarili nilang kamag anak na si Jovelyn Galleno.

Kasunod ito ng panibagong pahayag ni Leobert at pagdawit kay City Anti-Crime Task Force (ACTF) chief at information officer Richard Ligad na diumano’y namilit sa kanyang umamin sa krimen.

“Maski ako gulong-gulo ang isip ko sa nangyayari. Siguro pag may-time na makontak ko siya o makausap, bago ko masabi [ang tunay na kalagayan ni Leobert],” pahayag ni Roberto sa panayam ng Palawan News.

Ganunpaman, iginiit ni Roberto na naniniwala siyang walang kinalaman ang kanyang anak sa nangyari kay Jovelyn.

“Hindi ako naniniwala kasi kilala ko yang anak ko. Maski nga sa bahay kahit na centimo kung magkano ang nakalapag diyan di kumukuha yan. Magpapaalam kung manghihingi siya pero yung sabihin na ganoon, hindi niya po magagawa yan. Mabait po ang anak ko na yan” sabi niya.

Sa huli, bagama’t aminado itong nasa delikadong katayuan ang kanyang anak ay inamin nito na ipinagdarasal niya na maayos na ang kaguluhang kinasasangkutan ng kanilang pamilya.

“Sa obserbasyon ko, talagang ngayon malapit siya sa [kapahamakan] pero ipinagpapasa Diyos ko na lang. Basta kaming pamilya nagdarasal na lang na sana maayos na,” dagdag nito.

About Post Author

Previous article331 Quezon town residents undergo DetecTB in Palawan
Next articlePNP-ACG cautions public not to entertain fraud text alerts
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.