Arestado sa bayan ng Brooke’s Point noong Huwebes ang isang magsasaka na itinuturing na No. 4 most wanted sa municipal level dahil sa kasong frustrated murder.

Sa ulat ng Police Provincial Office (PPO) sa Palawan, ang inaresto ay kinilalang si Walito Banadan Masap, alyas Totoy, isang magsasaka at residente ng Sitio Danadio, Purok Bagong Sikat, Barangay Barong-Barong sa Brooke’s Point.

Siya ay inaresto sa bisa ng warrant na ibinaba ni Judge Ramon Chito Mendoza ng Branch 165 ng Regional Trial Court noong Setyembre 29, 2021, sa nasabing bayan dahil sa frustrated murder base sa Article 248 ng Revised Penal Code.

Nag-rekomenda ang korte ng halagang P200,000 na piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

- Advertisement -

Previous articleTulak ng marijuana sa Roxas, inaresto sa buy-bust
Next articleFamily seeks help in search for missing relatives, friends