Inaresto ng mga awtoridad ang isang 19 taong gulang na lalaki sa Brgy. Poblacion 6 sa bayan ng Coron, kahapon, January 6, dahil sa kasong theft.

Ayon sa ulat mula sa Palawan Police Provincial Office (PPO), inaresto si John Christopher Vallejo Cabebet, alyas “Toping”, sa bisa ng warrant na ibinaba noong December 22, 2022, ni Judge Arnel Cezar ng Branch 163, 4th Judicial Region ng Regional Trial Court dahil sa kasong pagnanakaw.

Pinayagan siya ng korte na magpiyansa ng halagang P6,000 para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kanyang kaso.

Siya ngayon ay nasa kustodiya ng Coron Municipal Police Station (MPS) para sa karampatang disposisyon.

About Post Author

Previous articlePH, China to resume direct flights, pre-COVID tourism figures
Next articleCity police backs DILG’s call for ranking PNP officials to resign