‘Alyas Kano’, arestado sa buy-bust


Hindi naka-porma ang sinasabing si “Alyas Kano” na street level tulak umano ng shabu sa lungsod nang arestuhin siya ng mga operatiba ng pulisya sa isang anti-illegal drugs buy-bust madaling araw ng Miyerkules, August 8, sa Socrates Road, Barangay Mandaragat.

Kinilala ni Police Insp. Rey Arano Elona and suspek na si Eric Salvador, 38, residente ng naturang barangay, na kilala rin sa alias na “Kano” at isa umanong “street level target” ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Station 1 sa pagtutulak ng shabu.

Nakumpiska mula sa kanya ang dalawang pakete na naglalaman ng white crystalline substance at hinihinalang shabu at ang P500 na marked money.

Ayon kay Elona, nakabili ang kanilang asset kay Alyas Kano ng isang pakete kung saan ginamit ang marked money. Nahaharap ngayon ang suspek sa paglabag sa Section 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of the Philippines.

This material may not be published, broadcast, rewritten, or redistributed. © Copyright 2018 - Qubes Publication and Ads Promotion. All rights reserved.

You may also like...