Aug 11, 2020

Alitan nauwi sa pananaga sa Brooke’s Point

Ang suspek ay kinilalang si Marlon D. Cortel, 40, taong gulang, residente at kagawad ng Salogon sa bayan din na ito.

(Contributed photo)

 

BROOKE’S POINT, Palawan — Patay ang isang lalaking nakilala sa pangalang Adjaine “Bong” Dais, 53, ng Sitio Magugurang, Barangay Salogon, Brooke’s Point, matapos itong tagain ng isang naka-alitan nito.

Ang suspek ay kinilalang si Marlon D. Cortel, 40, taong gulang, residente at kagawad ng Salogon sa bayan din na ito.

Base sa spot report ng pulisya, parehong nakainom ang suspect at ang biktima, umaga ng Lunes, nang sila ay magkainitan dahil sa dati nang alitan. Sinigawan umano ng biktima ang suspek habang dumadaan sa kanilang bahay kung kaya’t bumalik ito.

Dito na nagpang abot at nagpang buno ang dalawa hanggang sa binunot na ng suspek and dala nitong itak sa beywang at pinagtataga ang biktima sa ibat-ibang bahagi ng katawan nito.

Agad namang tumawag ng rescue ang pamilya nito upang dalhin sa pagamutan ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Ayon naman sa barangay kapitan ng Salogon ay agad sumuko sa kanya dala ang suspek dala ang ginamit nitong itak.

“Nagulat ako ng dumating siya sa bahay ng hating gabi na duguan at may dalang gulok. Sabi niya, ‘Kap, tulungan mo akong sumuko sa PNP nataga ko si Bong Daiz’ kaya agad akong tumawag sa PNP para isuko siya,” sabi ni kapitan Fred Bocobo sa panayam ng Palawan News.

Nasa kustodiya na ng PNP ang suspect na nahaharap sa kasong murder.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry