Isang magsasaka ang sinuntok at pagkatapos ay tinaga sa ulo ng kanyang nakainuman sa Brgy. Abongan, Taytay, sa bahaging norte ng Palawan.

Sa ulat mula sa Palawan Provincial Police Office (PPO), sinasabing nangyari ang pananaga sa biktima na si Juliebie Montemayor, 50, bandang 12:30 p.m. noong December 18.

Ang itinuturong suspek ay kinilalang si Efren Ricomono na nakainuman at nakaalitan nito habang nag-iinuman noong December 17 sa nabanggit na barangay.

Habang isinusulat ang balita na ito ay naka confine si Montemayor sa Northern Palawan Provincial Hospital at wala pang update ang PPO kung ano na ang kalagayan nito dahil sa tinamong sugat sa ulo bunga ng pananaga.

Sa imbestigasyon na isinagawa ng Taytay municipal police, isang araw bago nangyari ang pananaga ay nag-inuman pa ang biktima at suspek, ngunit nauwi ito sa alitan.

Hindi malinaw sa ulat kung paano nagkaabutan ang dalawa kinaumagahan, maliban sa nakasaad na sinuntok at tinaga ni Ricomono si Montemayor.

Ayon pa sa PPO, nagsasagawa na ang Taytay police ng follow-up investigation at manhunt operation matapos tumakas ni Ricomono.   

About Post Author

Previous articleLalaking napagkamalang nambato, patay sa pananaksak
Next articlePH targets 4.8M visitor arrivals, $5.8-B tourism revenue in 2023
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.