Nahaharap sa kasong robbery ang isang lalaki matapos looban ang isang bahay sa Barangay Itangil, Dumaran, Palawan, bandang 12:40 a.m. noong September 7, at tangayin ang isang pouch na naglalaman ng P60,000.

Sa report ng Dumaran Municipal Police Station (MPS), nagising ang biktimang si Edgardo Nolasco Recaido Jr., 27 taong gulang, dahil sa tahol ng mga aso. Agad itong lumabas sa kanyang bahay upang silipin kung sino ang tinatahulan ng aso. Sa kanyang paglabas ay nakita niya ang isang lalaki na nagmamadaling tumatakas palayo sa lugar.

Pagbalik ng biktima sa loob ng bahay, doon nito nadiskubre na nawawala na ang kanyang pera.

Agad namang tinunton ng biktima ang suspek na agad ding natagpuan sa Sitio Impatsihan sa parehong barangay.

Narekober mula sa suspek ang nawawalang pouch na may lamang pera.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng Dumaran Municipal Police Station ang suspek na nakilalang si Domingo Gonzales Bohol alyas “Bonlod”.


BILLBOARD SPACE FOR LEASE | Start your business with us.

Located at Chinatown Center Palawan Corner Bonoan, Valencia Street Puerto Princesa City Palawan. For more info contact us 0917-773-3556.

Previous article2PPMFC sinorpresa ng sari-sari store ang mag-ina na una nang pinatayuan ng bahay sa bayan ng Roxas
Next articleContinue wearing face masks: DOH
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.