Isang 45 taong gulang na lalaki ang dinala sa ospital matapos maaksidente noong Pebrero 18 ng umaga sa Barangay Isumbo, Sofronio Española.
Ang biktima ng aksidente ay kinilala sa ulat ng Palawan Police Provincial Office (PPO) na si Renio Torres Dumbali, residente ng Sitio Ipapoto, Brgy. Panitian sa natura din na bayan.

Ayon sa ulat ng PPO sa pamamagitan ni P/Maj. Ric Ramos, binabagtas ni Dumbali ang kalsada mula sa south patungo ng direksyon ng north, ngunit pagdating sa Isumbo ay nawalan ito ng kontrol sa manibela kaya naaksidente.
Nagtamo siya ng sugat sa ilang bahagi ng katawan at dinala sa Sofronio Española District Hospital. Hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang update kung ano na ang kanyang kalagayan.



