Larawan mula sa public post ng netizen na si Sheryl Grace Ciudad Herrera.

Isang aksidente ang naganap sa pagitan ng passenger van at pick-up sa kahabaan ng national road sa Brgy. Santa. Lucia sa lungsod ng Puerto Princesa, 10:30 ngayong umaga, Pebrero 13.

Sa mga larawan na ito mula sa public post ng netizen na si Sheryl Grace Ciudad Herrera ngayong umaga ay makikita ang aksidente sa pagitan ng dalawang parehong puti na sasakyan.

Ayon sa inisyal na impormasyon na nakalap ng Palawan News mula kay Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Station 2 commander P/Maj. Noel Manalo, ang puting van ay ino-operate diumano ng Jumong transport services. Galing ito ng south at papunta na sana ng Puerto Princesa City.

Ang puting pick-up naman umano ay galing ng lungsod sakay ang mag-ina na hindi pa rin maibigay ang pangalan.

Video by Sheryl Grace Ciudad Herrera

- Advertisement -
Photo by Sheryl Grace Ciudad Herrera
Photo by Sheryl Grace Ciudad Herrera
Photo by Sheryl Grace Ciudad Herrera

“Sakay ng pick-up [ay] mag-ina from Puerto [Princesa] going south. Ang Jumong van naman, papunta ng Puerto nang aksidenteng magkabanggaan. Wala namang matinding napinsala sa mga pasahero, pero may mga isinugod na sa pagamutan,” pahayag ni Manalo.

“Sa ngayon wala pa tayong exact details ng mga pasahero, on going pa ang investigation ng imbestigador natin,” dagdag pahayag niya.

Mula pa rin sa video post ni Herrera sa kanyang account ng mga aktwal na video na kuha, makikita na nagtulong-tulong na ang mga tao para iangat ang van at iligtas ang mga pasahero ng van na na-trap at hindi makalabas sa loob ng van.

Isang babae rin ang nailigtas at makikita rin ang pag-iyak nito dahil sa sinapit.

Previous articleDangerous to assume Omicron last variant: WHO exec
Next articleCategory Level System, ipatutupad ng COMELEC sa panahon ng kampanya
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.