File photo of Agutaya Municipal Hall

Naglabas ng mga bagong patakaran ang pamahalaang bayan ng Agutaya bilang bahagi ng mga alituntuning ipinatutupad ng Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) kaugnay sa tumataas na bilang ng COVID-19 sa bayan.

Kabilang sa mga bagong patakarang ipatutupad simula ngayong unang araw ng Hunyo ang pagrehistro sa S-Pass ng lahat ng biyahero na pupunta sa bayan at pag-apruba nito depende sa availability ng quarantine facility.

Maliban dito, ang mga manlalakbay na manggagaling sa bayan ng Cuyo at Magsaysay ay kailangang sumailalim sa 14 araw na quarantine kung saan, ang unang pitong araw ay sa pasilidad ng pamahalaan at ang susunod na pitong araw naman ay home quarantine.

Mula naman sa ibang bayan ng lalawigan ng Palawan ay kinakailangan ng negative antigen test result valid for 24 hours, approaved S pass bago bumyahe,at  lahat ay kailangan sumailalim sa 14 na araw na facility  quarantine. kung ikaw ay APOR  na may kaukulang opisyal na travel order kung negative ang RAT na gagawin sa ikapitong araw ng pamamalagi sa facility quarantine. at kung may kautusan pirmado ng MIATF Agutaya.

- Advertisement -

Kung ang biyahero naman ay manggagaling sa ibang lalawigan, kailangang magprisinta ng negative RT-PCR result na kinhua tatlong araw bago ang takdang araw ng biyahe maliba lang kung manggagaling sa lalawigan ng Mindoro na papayagan ang non-reactive antigen result sa loob ng 24 oras bago ang takdang araw ng biyahe.

Para naman sa mga cargo vessels na lalabas ng area ng Cuyo, Agutaya at Magsaysay, ang barko ay kailangang isailalim sa boat quarantine facility pagbalik ng bayan ng Agutaya ng hindi bababa sa 14 araw.

Previous articleProtecting the legal rights of seafarers
Next articleReport says families now most dynamic force in travel
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.