PN File Photo

Matapos na mapabilang ang bayan ng Aborlan sa mga COVID-19 high risk area sa lalawigan base sa inilabas na abiso ng Department of Health (DOH) MIMAROPA Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) noong August 2, muling naghigpit ang pamahalaang lokal sa pagpapatupad ng patakaran na may kaugnayan sa health protocols, partikular sa hindi pagsusuot ng face mask kapag nasa labas ng tahanan.

Simula noong Martes, August 17, ay ipinag-utos ni Mayor Celsa Adier sa pulisya na magsagawa ng “massive inspection” sa buong bayan upang mahigpit na ipatupad ang mga alituntunin at sitahin at pagmultahin ang mga violator.

“Matagal na natin itong ipinag-utos at ni-reiterate lang natin. Marami ng Covid variant ang puwede nating makuha o mahawa tayo kaya importante itong face mask. Wala tayong magagawa kung mabigyan ng citation ticket ang mga lalabag,” pahayag ni Adier, Biyernes, August 20.

Dagdag niya, noong August 3 pa siya naglabas ng public advisory na nagsasaad ng “strict compliance” sa pagsuot ng face mask at simula August 17 ay ipinatutupad na ito ng pulisya.

- Advertisement -

“Minsan napapasama ang mga pulis natin pati kami pati ako at lahat sa MIATF. Sana isipin nila na maaring mahawaan tayo kung hindi tayo susunod,” paliwanag niya.

Batay sa Municipal Ordinance No. 52, series of 2020, may nakalaang P200 para sa unang paglabag, P500 sa ikalawa, at P2,500 sa ikatlong paglabag.

Sa August 18 bulletin ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO), ang Aborlan ay mayroong active 14 RT-PCR confirmed COVID-19 cases at tatlo naman ang antigen reactive.

Previous articleDOH records significant decrease in vaccine hesitancy in MIMAROPA
Next articleAgawan ng lupa sa Brgy. Aporawan sa Aborlan, iniimbestigahan ng pulisya
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.