File photo

Nagtala ng pinaka mataas na kaso ng COVID-19 ang bayan ng Aborlan sa bahaging sur ng lalawigan sa unang linggo ng buwan ng Hunyo.

Sa huling ulat na inilabas ng Aborlan Municipal Health Office (MHO), may kabuuang 150 aktibong kaso ang bayan.

Ayon kay Aborlan Mayor Celsa Adier, ang mataas na kaso sa kaniyang bayan ayA lubos na nakababahala. Nangangamba si Adier na patuloy pang tataas ang kaso sa mga susunod na linggo kung hindi magpapatupad ng Enhanced Community Quarantine o ECQ.

“Nakakabahala talaga sa south ang may mataas na cases. Sa mga report natin,halos may mga kababayan tayong hindi nagps-participate sa contact tracing ng ating MIATF. Marami ring nagkahawa-hawa na lalo na sa palengke natin kaya lumubo ang bilang natin sa Aborlan,” pahayag ni Adier nitong Lunes, Hunyo 7.

Base sa huling COVID-19 tracker na inilabas ng Aborlan Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF), ang mga barangay ng Poblacion, San Juan at Ramon Magsaysay ang may pinakamataas na naitalang kaso na may 42, 38 at 17, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Dahil dito ay nilagdaan ni Adier ang Executive Order no.21-032 para sa pansamantalang pagsasara ng pamilihang bayan at ilan pang pampublikong establisimyento.

“Pansamantala nating isara ang operasyon ng palengke kasama ang tabuan maliban sa mga pharmacies. Magpupulong pa tayo sa MIATF kung kailan bubuksan ang palengke. Baka sa martes o Miyerkules,” aniya.

Dagdag pa niya, nagkaroon ng maraming hawaan ang mga tao sa palengke kung saan halos mga pamilya ang nag-positibo.

“Nagkahawa-hawa na talaga. May ilan pa rin talagang matigas ang ulo, kahit mahigpit na tayo lalabas at lalabas pa rin kaya ito na talaga ang taas na ng kaso ng Aborlan, kahit simula pa noon, ang pakiusap natin hindi nagkukulang,” paliwanag ni Adier.

Ayon pa sa kanya, maaring dahilan din ng naging hawaan ang hindi pag-uulat ng ibang mga residente sa mga checkpoint at sa mga contact tracers ng tamang impormasyon katulad ng pagsasad mg point origin at point of destination.

“May iba na kahit galing sila sa Puerto sasabihin hindi, galing lang daw sa ibang munisipyo. Tapos hindi iuulat ng tapat ang mga nakasalamuha. Kapag sumama na ang pakiramdam saka lang magrereport sa barangay o sa MHO,” aniya.

Magkagoon pa man ay tuloy-tuloy pa rin umano ang ginagawang monitoring ng MIATF sa lahat ng mga barangay lalo na sa mga taga Lungsod ng Puerto Princesa na nagtutungo sa kanilang bayan, kabilang na ang paghahanap ng negative antigen test result sa mga inbound travelers.

Samantala sa huling talaan na inilabas ng Provincial Disaster and Risk Reduction Management Office (PDRRMO) noong araw ng Linggo, Hunyo 6, sumunod na may pinakamataas na bilang ang bayan ng Bataraza na may 116, at Brooke’s Point na may 79 active cases.

Ang bayan ng Quezon naman ay may 44; Narra, 35; Balabac, 12; Rizal, 12; at ang Sofronio Española ay may pito.

Previous articleListen to the Filipinos’ clamor to defend our sovereign rights – MARLAWPh
Next articleMissing fisherman from Antique found safe in Palawan
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.