Home POLITICS & GOVERNANCE Municipality Aborlan LGU suportado ang pagtatatag ng Coast Guard Academy sa nasabing bayan

Aborlan LGU suportado ang pagtatatag ng Coast Guard Academy sa nasabing bayan

3
0

Ipinahayag ni Aborlan mayor Celsa B. Adier ang 100 porsiyentong suporta ng pamahalaang bayan para sa planong pagtatatag ng Philippine Coast Guard (PCG) Academy na itatayo sa humigit-kumulang 200 ektaryang lupain sa Barangay Apurawan sa nasabing bayan.

Ito ay kasunod ng pagpayag ng pamunuan ng PCG na itayo ang nasabing akademiya sa nasabing bayan bilang tugon sa Resolution no. 15397 series of 2020 ng Sangguniang Panlalawigan na iniakda ni board member Ryan Maminta.

Sa pahayag ni Adier nitong Lunes, Pebrero 15, bagama’t wala pang natatanggap na pormal na komunikasyon mula sa PCG ang kanyang opisina kaugnay ng plano ay magiging bukas ang LGU para dito.

“So far, no formal letter pa pero alam na natin yang plan na yan. Napakagandang planong iyan na dito sa ating bayan itatayo. Favorable tayo at sana mag-materialized na sa lalong madaling panahon,” pahayag ni Adier.

“Hindi natin pipigilan yan kasi for good naman yan at para sa mga kababayan natin sa Palawan lalong-lalo na sa mga Palaweñong nais maging miyembro ng Philippine Coast Guard at magsanay,” dagdag niya.

Samantala sinabi rin ni Adier na sa paglalagay ng akademya ng PCG sa Brgy. Apurawan ay hihikayatin niya ring sumuporta ang mga mamamayan doon dahil naniniwala siyang magiging malaking tulong  ito sa pagbibigay ng kaligtasan at peace and order sa karagatan ng Aborlan.

Previous articleCOMELEC suspends voter registration in Palawan
Next articleLinapacan cops nab No. 2 most wanted person inside his house
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.