File photo

Isang daang porsyentong susuportahan ng pamahalaang lokal ng Aborlan ang panukala ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na gawing pilot area ang munisipyo para sa paglalagay ng Special Drugs Education Center o SDEC.

Ayon kay Mayor Celsa Adier ng naturang bayan, nagtungo noong August 17 ang mga taga PSWDO sa kanila kung saan isinagawa ang orientation para sa pagsisimula ng implementasyon ngayong buwan ng Agosto na dinaluhan mismo ng mga kawani ng MSWDO, 4Ps, at PNP Aborlan.

“Welfare ito ng ating mga kabataan, lalung-lalo na itong ating mga OSY o Out-of-School-Youth at mga batang lansangan, siyempre pilot area tayo, susuportahan natin ito kung ano man ang magagawa natin. Tutulong tayo for our implementation ng SDEC,” sabi ni Adier,Miyerkules,August 18.

“Ginagawa na rin ang MOA nito between LGU at PSWDO kung paano ang implementasyon nang pagsisimula at pag gawa  — open development ito para sa atin sa Aborlan,” dagdag niya.

Ayon pa kay Mayor Adier, mahalaga itong maisakatuparan ngayong panahon ng pandemya dahil may ilang mga kabataan ang nangangailangan ng tulong at gabay upang mailayo sa maling landas at sa pag-gamit ng ipinagbabawal na gamot.

Ang pagtatatag ng SDEC sa bayan ng Aborlan ay magkasabay na pangangasiwaan ng LGU Aborlan at ng pamahalaang lalawigan sa pangunguna ng PSWDO kung saan tututok sa kapakanan ng mga OSY at street children sa nasabing munisipyo kaalinsabay nang pagsunod sa Amended Memorandum Circular No. 2006-150 on Establishment and Operation of SDEC for Out Of School Youth (OSY) and Street Children.

“Tutulungan din natin si PSWDO sa pangunguna ng ating Municipal Social Welfare officer dito para makapag-identify tayo ng mga barangay sa ating bayan at makapag conduct ng survey sa mga OSY at Street Children,”dagdag ni Adier.

About Post Author

Previous articlePCSD reverses decision, grants “conditional approval” to Ipilan Nickel Corporation
Next articleBishop Pabillo to focus on promotion of truth, justice and human rights
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.