Aabot sa 947 na senior citizens sa bayan ng Narra ang pinagkalooban ng tulong pinansiyal, o local social pension mula sa pamahalaang panlalawigan na may kabuuang halaga na P1,420,500 para sa mga buwan ng Enero-Hunyo 2022.

Ang naturang ayuda ay personal na ipinagkaloob ng mga kawani ng Provincial Social Welfare & Development Office (PSWDO) nitong nakalipas na March 7-10, 2023, para sa mga Palaweño na nabibilang sa indigent senior citizens sa naturang bayan sa ilalim ng Local Social Pension Program for Indigent Senior Citizens ng nasabing tanggapan.

Ang pagkakaloob ng tulong pinansiyal para sa mga ito ay ayon na rin sa direktiba ni Governor Victorino Dennis Socrates upang matulungan ang mga nakatatanda at patuloy na maiparamdam ang pagkalinga ng Pamahalaang Panlalawigan.