File photo mula sa PIO Palawan/PSWDO

Umabot sa kabuuang bilang na 944 ang mga mamamayang napagkalooban ng tulong pinansiyal ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Crisis Intervention Unit (CIU) na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa unang semester ng taong 2022.

Sa kabuuang bilang, 877 ang napagkalooban ng medical assistance, 44 ang natulungan na nangangailangan ng burial assistance, 20 para sa transportation assistance, at tatlo para sa iba pang mga agarang pangangailangan.

Umabot naman sa kabuuang halaga na P18,728,307.20 ang naipagkaloob sa mga Palaweño sa loob ng anim na buwan (Enero-Hunyo 2022).

Ang CIU ng PSWDO ang pangunahing service provider ng Pamahalaang Panlalawigan para sa mga Palaweñong nangangailangan ng tulong lalo na ang kabilang sa indigent families na nagkakasakit at nao-ospital na binibigyan ng tulong pinansiyal o guarantee letter para sa mga partner medical facilities sa lalawigan upang maibayad sa kanilang mga bill sa ospital.

Ayon kay Provincial Social Welfare & Development Officer Abigail D. Ablaña, napakahalaga nang pagkakaroon ng CIU dahil ito ay daan para sa mas maayos na sistema ng pagbibigay ng tulong pinansiyal at upang agarang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

“Ang pagkakaroon ng CIU ay napakalaking bagay para sa mas maayos na sistema ng pagbibigay ng tulong pinansiyal man o anumang serbisyo para sa ating mga kapwa Palaweño,” ani Ablaña.

Ang naturang pinansyal na tulong na ipinagkakaloob sa mga mamamayan ay sa pamamagitan ng Provincial Ordinance No. 2211 o Repealing Provincial Ordinance No. 1957 series of 2018, ‘Thereby Establishing the New Guidelines for the Utilization of Funds Allocated for the Financial Assistance Incorporated in the Enhanced Crisis Intervention Unit (CIU) of the Provincial Government of Palawan chargeable against the Provincial Governor’s Office, Public Welfare Assistance and Community Assistance Program’ kung saan umaabot sa P100,000 ang medical assistance na ipinagkakaloob sa isang indibidwal depende sa laki ng bayarin nito sa ospital.


ADVERSTISEMENT


#AHealingPlace - Drive Thru and Home Service Laboratory for easy and hassle free laboratory services! Only at Adventist Hospital Palawan.
Call Us! 0968-571-9928 0915-788-8863

About Post Author

Previous articlePadilla eyes regularization of gov’t workers sans CSC eligibility
Next articleGirls’ Generation breaks own record with ‘FOREVER 1’ album