BROOKE’S POINT, Palawan — Isang 90-year-old na puno ng Narra ang nabuwal at humarang sa national highway na naging sanhi ng pagkaantala ng trapiko sa kahabaan ng kalsada ng Brgy. Tubtub sa bayan ng Brooke’s Point, 10:00 ng umaga araw ng Miyerkules, Marso 10.

Ayon kay Levi Rodriguez, nabuwal ang nasabing puno dahil sa lakas ng hangin at buhos ng ulan .

Tinatayang nasa siyamnapung taong gulang na ang puno ng Narra at naghihintay na lamang sana ng pagkakataon ang Department of Public Works and Highways para putulin at itumba ito dahil mahahagip ng ginagawang road widening.

“Nasa humigit kumulang 90 yo na po yang puno ng Narra, kasi bata pa ng beyenan ko nariyan na yan,” pahayag ni Rodriguez.

Samanatala, pasado 11 a.m. ng umaga nang matapos ang paglilinis ng mga opisyal ng barangay at ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at manumbalik ang daloy ng trapiko sa lugar.

Previous articleOne Time, Big Time police operation nets 90 crime suspects
Next articleNumber 3 most wanted ng Puerto Princesa nadakip ng pulisya
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.