Siyam na indibidwal ang naaresto sa dalawang araw na seaborne patrol at law enforcement operations ang mga operatiba ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (SOU-MG) at Balabac Special Boat Unit (SBU) sa karagatang sakop ng Barangay Bancalaan sa bayan ng Balabac noong Pebrero 27 at 28.
Unang naaresto bandang 1 a.m. ng February 27 ang mga mangingisdang sina Abondo Toledo, Jerry Parayday, at Jomar Batoy sakay ng bankang Kyla Vin dahil sa paglabag sa municipal ordinance na nagtatakda na kailangang sila ay may kaukulang permit at rehistro.
Bandang 2:20 a.m. ng parehong petsa nang maaresto ang sakay ng bangkang Gard Bo na sina Joel Diaz at anak na si Joven Diaz, mga residente ng Rizal Palawan. Inaresto sila dahil din sa kaparehong paglabag sa municipal ordinance.
“Wala silang permit, at wala rin rehistro ang mga bangka nila, saka nangisda sila doon sa maritime protected eco-region,” ayon sa panayam ng Palawan News kay P/Lt. Anna Viola Abenojar.
Nitong araw naman ng Linggo, Pebrero 28, nahuli ang dalawang bangka sa Sityo Marabon at Sityo Matangule sa parehong barangay pa rin sa aktwal na paggamit ng compressor at sodium cyanide
“Parehong walang pangalan yung nahuli noong 28, yung sa Sityo Marabon, may sakay na tatlong tao yung nahuli. Sa Sityo Matangule, isa naman ang sakay ng bangka na parehong paglabag sa Provincial Ordinance No. 1463,” pahayag ni Abenojar.
Kinilala ang mga naaresto na sina Jomar Velasco Tisoy, Jerom Baron Moreno, Sarver Marangga Butallid, habang sakay naman ng isa pang bangka si Cale Sugan Tripole, mga residente ng nasabing barangay.
Nakatakda sampahan ng kasong paglabag sa Provincial Ordinance No. 1643, Series of 2015, at paglabag sa Section 92 ng Republic Act 10654, o ang amended Fisheries Code of the Philippines, ang mga suspek.
