Larawan mula sa PPPO
- Advertisement by Google -

Arestado ang siyam na tripolanteng sakay ng tatlong bangkang ilegal na nangingisda sa katubigang sakop ng Barangay Concepcion sa bayan ng Agutaya noong August 3.

Kabilang dito ang mga kapitan ng mga bangka na sina Lorvin Catugoran Evangelista at Reneboy Rosales Bohol, mga boat crew na sina Morena Tayo Gela, Wilfredo Baterna Simbahon, John Rey Gela Polloso, at Bobit Matinong Viceno, ang lineman nito na sina Crisostomo Maat Radoc, at mga divers na sila Lorencio Mirasol Mendez at Prechival Quincela Batuigas.

Ang mga ito ay naaresto ng mga nagpapatrolyang mga pulis sa lugar habang nagsasagawa ng ilegal na pangingisda gamit ang ipinagbabawal na compressor, at walang mga kaukulang dokumento mula sa local government ng Agutaya.

Nasamsam din sa tatlong bangka ang 3 unit ng air compressor, at nasa 70 kilos na huling isda na may halagang aabot sa P5,600.

- Advertisement -

Dinala sa Office of the Municipal Agriculture ang mga nasamsam na gamit, habang dinala naman ang mga mangingisda sa Agutaya Municipal Police Station.

Haharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 10654 o ang fisheries code of the Philippines.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous article2 tulak ng ilegal na droga, timbog sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad
Next articleSocrates elected as PCSD chair
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.