(File photo from Mayor Amy Roa Alvarez page)

Aabot sa 8,000 reams ng bond paper ang ipinagkaloob ng lokal na pamahalaan ng San Vicente sa district office ng Department of Education (DepEd) sa naturang bayan upang magamit ng mga mag-aaral.

Ang pagkakaloob ng mga ream ng bond paper noong Enero 10, 2022, ay pinangunahan ni mayor Amy Alvarez ng San Vicente.

Ang supply na nabili pa noong Nobyembre ng nakaraang taon ay mula sa mga donasyon nina April Parcon, 1st District Rep. Chikoy Alvarez, board member Anton Alvarez, at Perry Quimbo na kanya rin pinasalamatan.

“Alam kong sa panahon natin ngayong may pandemya at umaahon pa lamang tayo sa hirap na dulot ng bagyong Odette, marami sa mga guro natin ang hindi magkanda ugaga sa pagsasaayos ng mga module at ibang materyales sa pag-aaral upang maipaabot ang mga aralin sa pinaka-epektibong paraan sa ating mga estudyante,” ayon sa pahayag ni Alvarez sa kanyang post.

“Noong Nobyembre pa last year natin nabili ang mga papel na ito ngunit hindi natin agad ito naibahagi dahil sa pananalasa ng bagyong Odette,” dagdag pahayag niya.

Aniya, ang mga ito ay ipinagkaloob upang makatulong sa produksuon ng mga self-learning module para sa mga estudyante habang hindi pa puwede ang face-to-face classes.

“Alam naman natin kung gaano kahalaga ang edukasyon para sa kinabukasan ng mga bata kaya kahit pandemya ay talagang gumagawa tayo ng paraan para makatulong sa sector ng edukasyon,” dagdag ng mayor.

About Post Author

Previous articleDTI, PhilDev launch new programs ‘IDEA’ and ‘ADVanCE’ to further stimulate Startup Growth
Next articleBrooke’s Point farmers stage protest rally vs Ipilan Nickel Corporation
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.