Isang 73 taong gulang na lalaki ang inaresto ng mga awtoridad kahapon sa bayan ng Busuanga dahil sa kasong estafa, ayon sa Police Provincial Office (PPO).

Ayon sa ulat mula sa PPO, inaresto si Job Fabia sa Brgy. Cheey sa naturang munisipyo matapos babaan ng warrant noong December 12, 2022, ni Judge Lovelle Moana R. Hitosis ng MCTC 4th Judicial Region, Coron-Busuanga-Gaudencio E. Abordo sa Palawan.

Pinayagan siya ng korte na maglagak ng piyansa na P18,000 para sa pansamantalang kalayaan habang dinidinig ang kanyang kaso na paglabag sa Article 315, Paragraph 1 (B) ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa Section 85 ng Republic Act 10951.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nasa kustodiya si Fabia ng Busuanga Municipal Police Station (MPS) para sa karampatang disposisyon.

About Post Author

Previous articleProvincial gov’t on the right track – Socrates
Next articleLPA spotted 195 kilometers south of Puerto Princesa City