Humigit kumulang 700 na mga mangroves seedling ang sabayang itinanim ng mga tauhan ng PNP 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) sa iba’t ibang bahagi ng Palawan nitong Martes, March 7, kaugnay sa ika-32 taong anibersaryo ng kanilang hanay.
Ayon sa community relations officer ng 2nd SOU-MG na si P/Capt. Anna Viola Abenojar, layunin ng kanilang aktibidad na mapangalagaan ang mga gilid baybayin ng Palawan kaugnay ng pangangalaga ng kalikasan na isinusulong ng PNP sa lalawigan.
“Nakikiisa kami sa ating ika-32 anibersaryo ng pagkakatatag ng PNP Maritime. This is also our environmental protection advocacy efforts of the PNP Maritime Group,” pahayag ni Abenojar.
Katuwang ang iba’t ibang concerned government agencies, mga barangay, kabataan, kababaihan, health workers, school institutions, at komunidad ay sabayang isinagawa ang tree planting activity sa mga bayan ng Brooke’s Point, Quezon, Coron, at Puerto Princesa.
“Lubusang pasasalamat ang ipinapaabot ng pamunuan ng 2nd SOU-MG sa pamunuan ng City ENRO dahil sa ipinagkaloob na mangrove seedlings para sa nasabing aktibidad. Ganun din ang aming pasasalamat sa iba pang ahensya na nakiisa sa isinagawang pagtatanim gaya ng Philippine Coast Guard, PNP Special Action Force (SAF), Coron MPS, PMFC Luzviminda at Brgy. Mangingisda, Puerto Princesa City,” dagdag pa ni Abenojar.
Maliban dito, patuloy rin ang kanilang mga isinasagawang community coastal clean-up sa ibat-ibang munisipyo katuwang ang mga barangay, LGUs, at komunidad kaugnay ng kanilang monthly environmental activities.
“It is a regular activity that aims to clean the coastal areas and sea waters of Palawan. Coastal and ocean trash is a serious pollution problem that affects the health of people, marine wildlife, and local economies. Every time we conduct a coastal clean-up activity, we always encourage the community, especially those nearby residents, to participate and be a protector of our environment,” ayon pa kay Abenojar.