Jul 10, 2020

7 taong gulang na bata, nalunod sa San Vicente

Ayon sa lider ng sitio na si Romeo Sonio, nakita ang batang si Mark (hindi tunay na pangalan), bandang 7:30 ng umaga ng mga naghahanap na community search and rescue personnel kasama ang mga taga-Coast Guard Substation na naka-base sa barangay.

(Photo courtesy of Coast Guard Port Barton)

SAN VICENTE, Palawan — Isang pitong taong gulang na batang lalaki na una ng naiulat na nawawala noong May 25 sa Barangay Port Barton sa bayang ito ang natagpuang patay sa bukana ng ilog sa Sitio Bunuangin noong Martes.

Ayon sa lider ng sitio na si Romeo Sonio, nakita ang batang si Mark (hindi tunay na pangalan), bandang 7:30 ng umaga ng mga naghahanap na community search and rescue personnel kasama ang mga taga-Coast Guard Substation na naka-base sa barangay.

Sabi ni Sonio, nawala ang batang lalaki noong hapon ng May 25 habang nanginginas ng shells sa dalampasigan ng Port Barton kasama ang isang kapatid na nakatatanda at anak ng kapitbahay.

“Noong Lunes, nanginas ang tatlong bata, nakatapak sa medyo malalim itong nalunod. Sinubukan pang tulungan ng mga kasama niya, pero talagang nahulog sa malalim mga bandang alas singko,” sabi ni Sonio.

Habang nanginginas, napadpad ito sa bahaging kantilado o malalim at biglang nawala. Hinanap ito, pero hindi ito nakita noong gabi ng Lunes.

“Ngayon lang nakita ng search and rescue malapit sa bukana,” sabi niya.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry