Sep 26, 2020

6 na lalaki arestado dahil sa pagtutulak ng shabu sa Narra

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Rodolfo Zabala Villanueva, 55, magsasaka, Oliver Angad, 27, tubero, Jovesie Lopez Penafiel, 56, tricycle driver, Emmanuel Nagal Villarente, 43, Rustom Alvarez Limon, 19, pawang residente ng nasabing lugar at si Winnard Peralta Estanislao, 22, residente ng Hacienda, Antipuluan.

Anim na lalaki ang nahuli dahil sa pagtutulak ng ilegal na droga sa Batang Batang Road, Barangay Princess Urduja, bayan ng Narra, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Rodolfo Zabala Villanueva, 55, magsasaka, Oliver Angad, 27, tubero, Jovesie Lopez Penafiel, 56, tricycle driver, Emmanuel Nagal Villarente, 43, Rustom Alvarez Limon, 19, pawang residente ng nasabing lugar at si Winnard Peralta Estanislao, 22, residente ng Hacienda, Antipuluan.

Nahuli ang mga suspek matapos makabili ang kanilang asset ng isang sachet ng hinihinalang shabu kapalit ng P500.

Nakumpiska naman sa kanilang pangangalaga ang hindi baba sa 10 pirasong sachets ng hinihinalang shabu at ilang papel na naglalaman ng tuyong dahon ng marijuana.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Nahuli ang mga suspek sa magkatuwang na operasyon ng Narra Municipal Police Station Provincial Drug Enforcement Unit at PNP-MG-SOU-Quezon SBU.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry