FB CA Delbert na nahuli sa municipal waters ng Magsaysay, Palawan

Dalawang bangkang pangisdang may sakay na 52 katao ang magkasunod na nasabat ng awtoridad habang nangingisda sa karagatang sakop ng bayan ng Magsaysay, araw ng Martes, June 1.

Ayon kay P/Lt Benjamin Martinez, hepe ng Magsaysay Municipal Police Station (MPS), nagsasagawa sila ng seaborne patrol ng mamataan ang dalawang bangka.

Unang nahuli ang FB CA Delbert sa norteng bahagi ng Siparay Island, Barangay Cocoro, pasado alas 12 ng hating gabi, sakay ang 50 taong gulang na kapitan na kinilalang siĀ  Sonny Boy Serafino, mula sa Negros Occidental, kasama ang 44 anyos na boat mechanic na si RoderickĀ Concepcion, mula naman sa Brgy. Wawa, Nasugbo, Batangas, at 36 na crew.

Bandang 3:15 naman ng umaga ay namataan ng grupo ang bangkang MBCA Kenth Jalian sa Tagauayan Island ng Brgy. Cocoro. Sakay ng bangka ang 14 katao, kabilang ang kapitan na si Edmon R. Indap, 42 at  Christian B. Indap, 23, chief engineer na mga residente naman ng San Jose, Occidental Mindoro.

Ang mga nabanggit na bangka ay ilang beses na rin umanong nahuli sa iligal na pangingisda sa karagatang sakop ng Linapacan at Coron noong January 29 at April 16 taong kasalukuyan.

Samantala, agad ding pinakawalan ang mga ito matapos na makalagak ng multa sa mga paglabag nito Municipal ordinance No. 2010-079 o pagbabawal sa paggamit ng compressor at pangingisda sa Municipal Water ng Magsaysay.

Previous articlePalengke ng EspaƱola pansamantalang isasara para sa disinfection
Next articlePamahalaang bayan ng San Vicente, namigay ng ayuda sa mga residente sa ilalim ng granular lockdown
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.