Ang mga partisipante mula sa assesors office ng mga munisipyo habang nakikinig sa talakayan kay Provincial Assessor Euvica Colbe sa isinasagawang conference sa bayan ng Narra. | Larawan mula kay PIO Palawan

Isinagawa sa bayan ng Narra ang 4th Quarter Municipal Assessor’s Conference na pinangasiwaan ng Provincial Assessor’s Office (PASSO) sa pamumuno ni provincial assessor Euvica Colbe, katuwang ang Narra Municipal Assesor’s Office (MASSO), Disyembre 5-7.

Tatlumpu’t apat na mga partisipante ang nagtipon na kinabibilangan ng mga Municipal Assessors mula sa 23 munisipyo at ilang staff ng PASSO at Narra MASSO.

“Mandato ng PASSO na maghatid ng technical supervision at assistance sa mga municipal assesors kung kaya’t patuloy na nagsasagawa ang kanilang tanggapan ng pagtitipon, layon nitong magbigay ng update at talakayin ang mga isinagawang monitoring at naisakatuparang target sa taong 2022 ng bawat municipal assessor office,” sabi ni Euvica Colbe, provincial assessor.

Tinalakay din ang Performance/Production for CYs 2021 and 1st to 3rd Quarters of 2022 at nagkaroon din ng open forum. Pinag-usapan din ang mga isyung natukoy at mga balakid na kinaharap sa pagsasakatuparan ng mga target gayundin ang strategies and innovation na kailangang gawin upang mas mapabuti ang local assessment operations.

Samantala, ibinahagi rin ng mga local government units ang kanilang best practices upang matagumpay na maisakatuparan ang kanilang mga target.

Tinukoy din sa naging talakayan ang mga target ng PASSO na isasakatuparan sa taong 2023.

Pinaalalahanan din ang mga ito hinggil sa kahalagahan ng kanilang mga trabaho sa kanilang mga munisipyo bilang assesors na malaki ang kanilang mga kontribusyon sa pagpapatupad ng mga programang may kaugnayan at kinalaman sa LGU finances.

Sa pagsisimula ng programa ay nagbigay ng pananalita si Narra Municipal Assessor Elvira Sumawang at naghatid din ng mensahe si Narra Municipal Mayor Gerandy Danao na pinasalamatan ang PASSO sa pagsasagawa ng naturang aktibidad sa kanilang bayan gayundin ang mga partisipante na nakadalo sa pagtitipon.

About Post Author

Previous articleCPP founder Jose Maria ‘Joma’ Sison passes away at 83
Next articleVietnam steps up expansion in South China Sea, new study reveals
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.