Photo from El Nido LGU

Nakapagtala ng 47 bagong kaso ng COVID-19 at 22 recoveries ang bayan ng El Nido, base sa huling inilabas na ulat ng lokal na pamahalaan ng bayan noong araw ng Linggo, Mayo 30.

Ayon sa Municipal Health Office (MHO), kabilang sa mga bagong kaso ang tatlong nagpositibo sa RT-PCR at 44 naman ang reactive sa rapid antigen test.

Photo from El Nido LGU

Sa kasalukuyan ay may 108 aktibong kaso sa bayan kung saan, apat dito ang RT-PCR positive samantalang 104 naman ang antigen reactive.

Nangunguna sa may mataas na kaso ang barangay Buena Swerte na may 43 kaso na sinundan ng Bgy. Masagana na may 21, at Bucana na may 11.

Mayroong walong kaso sa Bgy. Maligaya, taglilima naman sa mga barangay ng Barotuan, Pasadeña, Villa Libertad, Corong-corong, may tatlo sa Manlag at isa sa New Ibajay

“Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19, patuloy na pinag-iingat ang lahat kapag lalabas ng tahanan. Laging sundin ang minimum health standards sa lahat ng oras at iwasan na munang lumabas ng bahay kung hindi kailangan. Ugaliin ang tamang paggamit ng face mask at face shield, at palagiang paghugas ng kamay,” paalala ng MHO El Nido.

Previous articleLast-term doldrums
Next articleDENR urges Filipinos to protect oceans for food security
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.