Makikita sa larawang ito ang ilan sa 44 na indibidwal na inaresto ng Cuyo MPS dahil sa iligal na pangingisda sa municipal waters ng nasabing bayan. (Photo by Cuyo MPS)

Aabot sa 44 na indibidwal na lulan ng dalawang bangka at iligal na nangingisda malapit sa Silad Island sa Barangay Caponayan, Cuyo, ang hinarang ng mga awtoridad noong madaling araw ng Huwebes, August 12.

Ang kanilang mga bangka ay F/V YYN at F/V Nathan 1 na diumano ay pag-aari ng YYN Fishing Corporation na naka-base sa Iloilo.

Ayon kay P/Lt. Marvin Herrera ng Cuyo Municipal Police Station (MPS), naabutan ang dalawang bangka sa aktwal na pangingisda sa karagatan na sakop ng Cuyo gamit ang fine mesh net o pamamaraang hulbot na mahigpit na ipinagbabawal.

Wala din umanong maipakitang kaukulang dokumento o pahintulot ang mga ito para mangisda sa municipal waters. 

- Advertisement -

Sabi ni Herrera, sa kanilang pagtaya ay nasa 300 kilos ang nahuling isda ng mga ito na kanilang kinumpiska. Nasa kustodiya ang 44 mangingisda ng Cuyo MPS, at sinampahan na nang reklamong paglabag sa Municipal Ordinance No. 2015-152.

Previous articlePalawan eyes return of 14-day facility-based quarantine from Aug. 14-31
Next articleEndangered variable monitor lizard rescued at NCCC Mall
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.